Wednesday, September 3, 2014

AND I FINALLY LEARNED HOW TO FLY - First year college experience

KATAS NA MAKAPAGTATANGGAL NG UHAW SA AKING MUNDONG MAPANLAW TANGING KAILANGAN AY IKAW.Sa panahon ngayon, uhaw na nga tayo. Tigang na nga e, OO SA KAALAMAN. Nanunuyot na yung utak na'tin. Para sa'an nga ba kaya tao pumapasok sa eskwelahan? Para matuto at sa palagay ko yung magkaroon ng masaya at mabubuting kaibigan ay bonus na lamang...kumbaga pagbumili ka ng isang produkto eh may additional free item ka pero hindi sa pagkakaroon ng kaibigan ang punto ko, kinuha ko lang ang attensyon nyo. Sige sisimulan ko na.


Kanina, mga alas nuebe ng umaga...nakakita ako ng lalaking nage-enroll kasama nya lang naman ang buong pamilya nya, si nanay, si tatay at si ate. Nakakatuwa napaka supportive. Natatandaan ko noon sobrang excited ako na magcollege. Ganadong ganado. "This is it! Im gonna reach my dreaaaams!" Gusto kong maging mamamahayag eh. Sobra. Ako yung tao na uhaw sa kaalaman. I really love learning. Sa paglipas ng ilang linggo napapansin ko na yung ibang professors. Yung iba. Di ko nilalahat. Traditional. Yung tipong lahat na lang e iaasa sa libro. Alam kong importante ang libro kaya nga meron ako e pero kung ipapabasa mo lang samin at magbibigay ka nang pagsusulit edi sana drinop ko na lang ang subject mo o di kaya umuwi sa bahay at gamitin ang isang araw sa pagbabasa ng libro. AYOS! ILANG LIBO NGA ULIY PER UNIT ANG BINABAYAD KO? Meron ding matatanda, yung tipong isang tulak na lang dedlaks na (wag naman sana)...yung kinakailangan ng mag mikropono. Pero sige, madami kang matututunan sa mga matatanda. Marahil nga sila'y dalubhasa. Yung iba epektibo pa yung iba e napaglipasan na nga pero sa tingin ko ang pinakamasaklap ay yung hindi nagtuturo tapos anlakas ng loob magbigay ng quizzes. Sa nangyayari sa'kin non halos di ko matanggap. Dahil kaunti lang ang natututunan ko sakanila. May mga araw na pagnakikita ko sila pumipikit ako at sinasabi kong sana may matutunan ako.  Naiisip ko rin na ako lang ba yung ganito? Iba ako? Ano? Sobrang frustrated ako so I went to the Guidance Office and asked them kung bakit ganun I thought that this school is offering a high quality education, dahil lang ba sa course ko o ganito talaga and they said na kaya siguro kami na bobored o parang walang learning e dahil minor subjects palang and she asked me sinubukan na ba talaga naming pakinggan ng buong puso ang mga prof na yan. Oo tama, marahil may pagkukulang pa ko sabi ko sa sarili ko, baka nga nilamon na ko ng hatred ko sa mga taong ito kaya kahit anung subok ko e wala. Lumipas ang mga araw. Wala eh ganun parin. Sinubukan ko naman. May isang subject na nawalan na talaga ako ng gana. Counter to my vocabulary. Hindi na ko pumapasok ng maaga, lagi akong late. Halos kalahati na lang ng subject nya yung naaabutan ko. Pagpasok ko e quiz na. Ang mga tanong nasa libro, ang mga kasagutan nasa libro. Maari kang magbukas ng libro. Okay talaga. Pero sympre may mga magagaling naman na prof! Yung sobrang cool! Yung tipong parang classmate mo lang. Ganadong ganado kang pumasok kasi alam mong marami kang matututunan. They are not just teaching from the book, but from their hearts. Pati nga mga experiences nila eh. Willing silang ishare yon. Nakakatuwa. Very interactive. Dun na lang ako bumabawi at sinusulit ang pinambabayad ko. I think that they deserve to be mentioned pero baka malaman nyo kung sino ako kaya wag na lang. It is better to be safe.  Dahil sa mga pangyayaring ‘to sumanggi sa isip ko na magshift. Na gusto kong makakuha ng kaalaman sa mga malulupit na professors. Mga consul at diplomatiko. Pero nanaig parin sakin ang pangarap ko. Iba talaga nagagawa ng pangarap.


At the end of the sem I got 2.25 in one subject. Nagpabagsak sa'kin. Di ako naging DL. Sayang scholarship. Sabi naman ng tatay ko wag daw akong mag-alala kasi iskolar nya naman daw ako. Sa kabilang banda di rin ako nagsisi. Yun kasi yung asignatura na naumay ako. Yung laging lampas sa taning ang pagpasok ko. Well, masasabi ko na hindi naman nawala ang panlasa ko sa mismong subject. Sa prof. Pero wala na kong panahon para mansisi. Ang mahalaga kahit papano e nakasurvive ako. Natutunan kong matuto sa sariling pagsisikap Sa bandang huli pinilit kong tingnan ang mga positibong pangyayari at Iappreciate kung ano lang ang meron. Nakahanap din ako ng magandang org noon. Org na nagturo sa'kin ng maraming bagay. Lyceum Dabate Society, mga intelehenteng mga tao at bukas ang kaisipan. They dont just play the game, they change it..ang mga taong yun talaga ang isa sa mga naging inspirasyon ko na pumasok. Hindi ka lang pala talaga maaring matututo sa mga prof, minsan sa mga taong nakakasalamuha mo rin. :) Sa kasamaang palad, di ko naituloy ang pagiging myembro pero masasabi ko na yung mga araw na kasama ko sila at natututo ako are the best days of my life. Syempre dahil na'rin sa mga kaibigan ko. Isang mataba at isang sexy. Sina Crazy boy, Kulotsky at may DJ pa.:)
Samantala naging maayos naman ang 2nd Sem ko. MAS NAGING BUKAS ANG PUSO’T ISIPAN KO. NAKA ENCOUNTER AKO NG TALAGANG MAGAGALING NA PROF. NAKAKATUWA .  MARAMING SALAMAT SAKANILA. MAAGA NA ULIT AKO PUMAPASOK AT PINAGIINAM ANG PAGAARAL. MARAMING MAJOR SUBJECTS. MAY THRILL MAS EXCITING.May mga hindi man magagandang pangyayari nanaig parin ang mabubuti. Marahil sa pagtingin ko rin ito. Outlook sa buhay kumbaga. Nagpapasalamat ako sa mga taong kinainisan ko at minahal ko. Nagiwan sila ng marka sa aking buhay.

Ngayung 2nd year na ko. Ipinapanako ko sa aking sarli na pagbubutihin ko pa, masaya ko, hindi na ako nabobored, film making, news writing, photography madami dami na konng pinagkakaabalahan JNga pala, nakakuha pala ko ng dalawang scholarships ngayung sem! :) KAYO TIGANG DIN BA KAYO?
MAUMAY O MATUTO, MAWALAN NG PAG-ASA O MAGSUMIKAP.

ANUNG PIPILIIN NYO? NASA INYONG MGA KAMAY.