Tuesday, October 14, 2014

Ilaw (Haiku)

Laging mag-isa
Dilim ay kinakapa
Nais ay saya

Hindi makuha
Hinahangad na tuwa
Bakit nga kaya

Biglang nasilaw
Pag-ibig ay natanglaw
Sana ay ikaw

Puso’y sumigaw
Tuwa’y nangingibabaw

Ama’y ang ilaw

Ang Kahalagahan ng Ehersisyo Sa Ating Kalusugan


Gusto mo bang magkaroon ng magandang pangangatawan at mabuting kalusugan? Ano nga ba ang mga dapat nating gawin upang makaiwas sa iba’t-ibang sakit at nang saganoon tayo ay manatiling malakas at masigla.
Sa panahon ngayon, bata man o matanda, hindi lang ang panlabas na anyo ang nabibigyang diin ng lipunan kasama narin ang pagiging malusog sabi nga, mahalaga ang pagiging maganda sa loob at labas kaya naman para makamtan ito dapat nating malaman na ang pageehersisyo at paglilibang ay mayroong malaking bahagi sa pagsasaayos at pagpapasigla ng ating katawan at kalusugan. Ngayon, anu-ano nga ba talaga ang kahalagahan nito? Ang pageehersisyo araw-araw o kahit tatlong beses sa isang lingo ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng ating resistensya at maari ring makapagligtas na anumang sakit. Maaring maglakad ng 20-40 minuto sa isang araw, maari ring magbisikleta, sumayaw, tumakbo o kahit anong ehersisyo na iyong nakasanayan.
Ang mga simlpeng gawaing ito ay nakapagpapalakas ng puso. Ang puso ay isang kalamnan at tulad ng ibang kalamnan pag ito’y nahaharap sa pageensayo’t ehersisyo ito’y lumalakas. Ang pagpapalakas ng puso ay nakatutulong sa pag-iwas ng sakit tulad reuma sa puso, pagtaas ng presyon at iba pa. Bukod pa rito nakatutulong din ito sa pagbabawas ng kolesterol sa mga malalaki at maliliit na ugat, nakapagpapatibay ng baga, nakababawas sa antas ng asukal sa ating dugo, nakapapapatatag ng buto at maaaring makaiwas sa osteoporosis o pagkakuba. Nakokontrol din nito ang ating timbang, kung ikaw ay sobra sa timbang, inaanyayahan kang magehersisyo upang maging balanse ang pangangatawan. Ang regular nga na pageehersisyo ay nakapagbibigay sa tao ng enerhiya, nagiging mas malakas ang isang tao at maliksi. Sinasabi ring nakadadagdag ng emosyonal na kagalingan sapagkat karamihan ng mga gumagawa nito ay nakararamdam ng pagiging kalmado at payapa.
Sa makatuwid, mahalaga ang pageehersisyo upang ang kalusugan ng katawan ay mapagingatan. Tamang ehersisyo at pagkain tulad ng gulay, prutas, gatas at iba pa isama mo narin ang sapat na tulog at pahinga.

Pangalagaan ang kalusugan sapagkat ito ay an gating kayamanan. Para sa mga kabataan, inyo nang simulan!