KATAS NA MAKAPAGTATANGGAL NG UHAW SA AKING
MUNDONG MAPANLAW TANGING KAILANGAN AY IKAW.Sa
panahon ngayon, uhaw na nga tayo. Tigang na nga e, OO SA KAALAMAN. Nanunuyot na
yung utak na'tin. Para sa'an nga ba kaya tao pumapasok sa eskwelahan? Para
matuto at sa palagay ko yung magkaroon ng masaya at mabubuting kaibigan ay
bonus na lamang...kumbaga pagbumili ka ng isang produkto eh may additional free
item ka pero hindi sa pagkakaroon ng kaibigan ang punto ko, kinuha ko lang ang
attensyon nyo. Sige sisimulan ko na.
Kanina,
mga alas nuebe ng umaga...nakakita ako ng lalaking nage-enroll kasama nya lang
naman ang buong pamilya nya, si nanay, si tatay at si ate. Nakakatuwa napaka
supportive. Natatandaan ko noon sobrang excited ako na magcollege. Ganadong
ganado. "This is it! Im gonna reach my dreaaaams!" Gusto kong maging
mamamahayag eh. Sobra. Ako yung tao na uhaw sa kaalaman. I really love
learning. Sa paglipas ng ilang linggo napapansin ko na yung ibang professors.
Yung iba. Di ko nilalahat. Traditional. Yung tipong lahat na lang e iaasa sa
libro. Alam kong importante ang libro kaya nga meron ako e pero kung ipapabasa
mo lang samin at magbibigay ka nang pagsusulit edi sana drinop ko na lang ang
subject mo o di kaya umuwi sa bahay at gamitin ang isang araw sa pagbabasa ng
libro. AYOS! ILANG LIBO NGA ULIY PER UNIT ANG BINABAYAD KO? Meron ding
matatanda, yung tipong isang tulak na lang dedlaks na (wag naman sana)...yung
kinakailangan ng mag mikropono. Pero sige, madami kang matututunan sa mga
matatanda. Marahil nga sila'y dalubhasa. Yung iba epektibo pa yung iba e
napaglipasan na nga pero sa tingin ko ang pinakamasaklap ay yung hindi
nagtuturo tapos anlakas ng loob magbigay ng quizzes. Sa nangyayari sa'kin non
halos di ko matanggap. Dahil kaunti lang ang natututunan ko sakanila. May mga
araw na pagnakikita ko sila pumipikit ako at sinasabi kong sana may matutunan
ako. Naiisip ko rin na ako lang ba yung
ganito? Iba ako? Ano? Sobrang frustrated ako so I went to the Guidance Office
and asked them kung bakit ganun I thought that this school is offering a high
quality education, dahil lang ba sa course ko o ganito talaga and they said na
kaya siguro kami na bobored o parang walang learning e dahil minor subjects
palang and she asked me sinubukan na ba talaga naming pakinggan ng buong puso
ang mga prof na yan. Oo tama, marahil may pagkukulang pa ko sabi ko sa sarili
ko, baka nga nilamon na ko ng hatred ko sa mga taong ito kaya kahit anung subok
ko e wala. Lumipas ang mga araw. Wala eh ganun parin. Sinubukan ko naman. May isang
subject na nawalan na talaga ako ng gana. Counter to my vocabulary. Hindi na ko
pumapasok ng maaga, lagi akong late. Halos kalahati na lang ng subject nya yung
naaabutan ko. Pagpasok ko e quiz na. Ang mga tanong nasa libro, ang mga
kasagutan nasa libro. Maari kang magbukas ng libro. Okay talaga. Pero sympre
may mga magagaling naman na prof! Yung sobrang cool! Yung tipong parang
classmate mo lang. Ganadong ganado kang pumasok kasi alam mong marami kang
matututunan. They are not just teaching from the book, but from their hearts.
Pati nga mga experiences nila eh. Willing silang ishare yon. Nakakatuwa. Very
interactive. Dun na lang ako bumabawi at sinusulit ang pinambabayad ko. I think
that they deserve to be mentioned pero baka malaman nyo kung sino ako kaya wag
na lang. It is better to be safe. Dahil
sa mga pangyayaring ‘to sumanggi sa isip ko na magshift. Na gusto kong makakuha
ng kaalaman sa mga malulupit na professors. Mga consul at diplomatiko. Pero
nanaig parin sakin ang pangarap ko. Iba talaga nagagawa ng pangarap.
At
the end of the sem I got 2.25 in one subject. Nagpabagsak sa'kin. Di ako naging
DL. Sayang scholarship. Sabi naman ng tatay ko wag daw akong mag-alala kasi
iskolar nya naman daw ako. Sa kabilang banda di rin ako nagsisi. Yun kasi yung
asignatura na naumay ako. Yung laging lampas sa taning ang pagpasok ko. Well,
masasabi ko na hindi naman nawala ang panlasa ko sa mismong subject. Sa prof.
Pero wala na kong panahon para mansisi. Ang mahalaga kahit papano e nakasurvive
ako. Natutunan kong matuto sa sariling pagsisikap Sa bandang huli pinilit kong
tingnan ang mga positibong pangyayari at Iappreciate kung ano lang ang meron.
Nakahanap din ako ng magandang org noon. Org na nagturo sa'kin ng maraming
bagay. Lyceum Dabate Society, mga intelehenteng mga tao at bukas ang kaisipan.
They dont just play the game, they change it..ang mga taong yun talaga ang isa
sa mga naging inspirasyon ko na pumasok. Hindi ka lang pala talaga maaring
matututo sa mga prof, minsan sa mga taong nakakasalamuha mo rin. :) Sa
kasamaang palad, di ko naituloy ang pagiging myembro pero masasabi ko na yung
mga araw na kasama ko sila at natututo ako are the best days of my life.
Syempre dahil na'rin sa mga kaibigan ko. Isang mataba at isang sexy. Sina Crazy
boy, Kulotsky at may DJ pa.:)
Samantala naging maayos naman ang 2nd Sem ko. MAS NAGING BUKAS ANG
PUSO’T ISIPAN KO. NAKA ENCOUNTER AKO NG TALAGANG MAGAGALING NA PROF. NAKAKATUWA
. MARAMING SALAMAT SAKANILA. MAAGA NA
ULIT AKO PUMAPASOK AT PINAGIINAM ANG PAGAARAL. MARAMING MAJOR SUBJECTS. MAY
THRILL MAS EXCITING.May
mga hindi man magagandang pangyayari nanaig parin ang mabubuti. Marahil sa
pagtingin ko rin ito. Outlook sa buhay kumbaga. Nagpapasalamat ako sa mga taong
kinainisan ko at minahal ko. Nagiwan sila ng marka sa aking buhay.
Ngayung 2nd year na ko. Ipinapanako ko sa aking sarli na
pagbubutihin ko pa, masaya ko, hindi na ako nabobored, film making, news writing, photography madami dami na konng pinagkakaabalahan JNga pala, nakakuha pala ko ng dalawang scholarships ngayung sem! :)
KAYO TIGANG DIN BA KAYO?
MAUMAY O MATUTO, MAWALAN NG PAG-ASA O MAGSUMIKAP.
ANUNG PIPILIIN NYO? NASA INYONG MGA KAMAY.