Gusto mo bang
magkaroon ng magandang pangangatawan at mabuting kalusugan? Ano nga ba ang mga
dapat nating gawin upang makaiwas sa iba’t-ibang sakit at nang saganoon tayo ay
manatiling malakas at masigla.
Sa panahon
ngayon, bata man o matanda, hindi lang ang panlabas na anyo ang nabibigyang
diin ng lipunan kasama narin ang pagiging malusog sabi nga, mahalaga ang
pagiging maganda sa loob at labas kaya naman para makamtan ito dapat nating
malaman na ang pageehersisyo at paglilibang ay mayroong malaking bahagi sa pagsasaayos
at pagpapasigla ng ating katawan at kalusugan. Ngayon, anu-ano nga ba talaga
ang kahalagahan nito? Ang pageehersisyo araw-araw o kahit tatlong beses sa
isang lingo ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng ating resistensya at maari ring
makapagligtas na anumang sakit. Maaring maglakad ng 20-40 minuto sa isang araw,
maari ring magbisikleta, sumayaw, tumakbo o kahit anong ehersisyo na iyong
nakasanayan.
Ang mga
simlpeng gawaing ito ay nakapagpapalakas ng puso. Ang puso ay isang kalamnan at
tulad ng ibang kalamnan pag ito’y nahaharap sa pageensayo’t ehersisyo ito’y
lumalakas. Ang pagpapalakas ng puso ay nakatutulong sa pag-iwas ng sakit tulad
reuma sa puso, pagtaas ng presyon at iba pa. Bukod pa rito nakatutulong din ito
sa pagbabawas ng kolesterol sa mga malalaki at maliliit na ugat,
nakapagpapatibay ng baga, nakababawas sa antas ng asukal sa ating dugo,
nakapapapatatag ng buto at maaaring makaiwas sa osteoporosis o pagkakuba.
Nakokontrol din nito ang ating timbang, kung ikaw ay sobra sa timbang,
inaanyayahan kang magehersisyo upang maging balanse ang pangangatawan. Ang
regular nga na pageehersisyo ay nakapagbibigay sa tao ng enerhiya, nagiging mas
malakas ang isang tao at maliksi. Sinasabi ring nakadadagdag ng emosyonal na
kagalingan sapagkat karamihan ng mga gumagawa nito ay nakararamdam ng pagiging
kalmado at payapa.
Sa makatuwid,
mahalaga ang pageehersisyo upang ang kalusugan ng katawan ay mapagingatan. Tamang
ehersisyo at pagkain tulad ng gulay, prutas, gatas at iba pa isama mo narin ang
sapat na tulog at pahinga.
Pangalagaan
ang kalusugan sapagkat ito ay an gating kayamanan. Para sa mga kabataan, inyo
nang simulan!